Dec262015, pauwi kami ng Nueva Ecija dahil paborito namin kumain sa chowking kahit paulit ulit at kahit anong paninira nila na my uod sa noodles ng chowking, hindi namin pinapansin at kumain pa rin kami! Pero sa ngyari samin na to, hindi namin papalagpasin to dahil ako mismo ang nakakain at nakakita kung gano karumi sa CHOWKING! Lahat ng orders namin na served na pero hindi pa rin ako makakain dahil hinihintay ko nga yung KANGKONG Ko! So ayun pag kadating na pagkadating kinain ko na yung iba.. Ok naman sya nun una kong subo, pero nun pangalawang kuha nakita ko may kakaibang nakasabit sa dahon ng kangkong ko!!! Nakakadiri dahil ang laking gagamba yung nakadikit!! Kung makikita nyo yung tyan ng gagamba napisa pa!! Suka ako ng suka dahil kahit sino naman ang makakita mandidiri at masusuka sa makikita nya! Ng inereklamo namin kinuha agad ng manager yung plato ng kangkong dahil kinukuhaan namin ng picture, nun sinabi namin na idedemanda namin sila nakatahimik lang sila at binalik lang ung bayad namin sa kangkong. Halagang P39 pesos yun lang ba ang halaga ng kasalahulaan na ngyari sa halos makain ko ng kangkong with gagamba?? Hindi!!!. Buntis pa naman ako at hindi po ako titigil na idemanda kayo pag may nangyari sakin o sa baby ko! ngayon naniniwala nako na yung may uod nyong pansit ay totoo pala!! Nakakadiri kayo!! #chowking #shellbalagtasbranch
| |